Gloc 9 "Diploma" |
Ang pangalan ko�y Aristotle Pollisco Nagaral sa Binangonan Elementary School Nagtapos sa mataas na paaralan ng Morong Rizal Nagaral ng kolehiyo, nagtigil Nagpatuloy ng dalawang taon Ngunit hindi po ako nakatapos ng aking pagaaral Mula pa ng pagkabata ako ang siyang kinukutsa Sa tambayan ng mayayabang na may laman ang bulsa Habang ang mga katulad ko�y pinipilit na makaahon Laging laman ng mga tawanan kailan ba makakabangon Sa mga panghuhusga ng kanilang mga mata Pinilit kong hindi lumuha sa harapan ng iba At ginamit ang mga pangit at kahit yan ang sinapit Ay di ko mapapayagan tuluyan akong malait At maubusan ng lupang aking pwedeng tapakan Aking pwedeng lakaran aking pwedeng tamnan Ng mga binhi sa kalaunan aking pwedeng maani At aking pwedeng masabing minsan ako ay naghari Sa palasyo ng pangarap na aking inaasam Walang nakahadlang kahit na may pasan-pasan Sa bawat letrang sinulat halika ika�y sumama Sa kapirasong papel na tinuturing kong diploma Chorus: Siya ay si Gloc-9 Taga Binangonan, Rizal Isang makatang naririnig sa kahit saang lugar At kahit di nakatapos ng pagaaral halika Ang tula kong ito ang tinuturing kong diploma (Repeat twice) Isang kapirasong papel na pinahiran ng tinta Parang larawang ginuhit na ginamitan ng pinta Ng isang pintor na inalay ang bawat araw sa buhay Upang ang damdamin kanyang mailarawan ng tunay Kulay na ang puhunan ay laging patak ng pawis At ang kapalara�y nakasaad sa mukha ng bayaning inihagis Kara o krus ganyan ang buhay ng mga katulad namin Mga salitang namulat binuhat sagad sa damdamin At handang hanapin na mang-akin na na masabi ko na akin na Araw na narinig ang mga sinulat kong salita Musmos pa lamang ay dinadalangin Maranasan ang palakpakan kasabay ng hangin Ayaw kong magtunog mayabang sa awitin na �to Pero sabihin mo sa akin kung sino pa sa larangan na �ton Bukod sa taga-Antipolong iniidolo ko Wala na sigurong sasabay sa awitin kong ito kasi Repeat Chorus 2x Lalala� Lyric from www.lyricmania.com |